Total Page Views

Friday, June 24, 2011

Isang Araw sa PRC at PNA... (The Story)


Isang araw, pumunta kami sa PRC at PNA. Nagkita kami sa Tanza para mabilis ang byahe. Eh late na din kaming nakaalis kasi late si R----. Pero ayos lang. Naging hassle-free ang byahe. Sa madaling sabi, nakarating kami sa Lawton. Sumakay kami ng jeep papuntang Morayta at naglakad-lakad ng konti. Edi yun, nakarating kami sa PRC-Manila. Aba akalain mo, ang haba na agad ng pila! Pero inaasahan na namin yun. Edi yun na nga, nakapasok kami ng PRC at inasikaso na ang dapat asikasuhin. Galit-galit muna. Pumunta kami sa 5th floor at kinuha ang board rating namin. Gusto ninyo malaman board rating ko? Wag na lang mga sis and bro, (*taps on shoulder*). Ang mahalaga nurse na tayo. At yun na, pumila sa cashier, nagbayad para sa board rating etc. Madami eh. Nakalimutan ko na ngang kumain!

After sa PRC-Manila, nagpunta naman kami sa PNA. Sumakay kami ng jeep papuntang Taft Avenue. Lakad-lakad lang ulit pagbaba ng jeep. At dahil mga probinsyano kami, namangha kami sa taas ng mga buildings! Grabe! Pinagtitinginan na nga ata kami ng mga tao dun! Eh, bakit ba!? Walang pakialaman. Kanya-kanyang buhay yan. Sa paglalakad namin, napadaan kami sa isang barbecue-han. Pambihira! Dahil mga gutom, tagos sa buong katawan namin ang amoy ng barbecue, pero hindi! "Hindi kme kakain!" (yun ang nasabi ko sa sarili ko). Mas uunahin namin ang PNA! (*closed fist with marching band*) Pagkatapos maglakad ng apat na kanto, nakarating kami sa Benitez St. Pambihirang Benitez St. ka! Muntik na kami sa mga sasakyan dito, mga di marunong magbigay sa tao. Sa pedestrian lane naman kami dumadaan! Oh siya, balik sa PNA. Pagdating namin dun, ang haba na ulit ng pila, pero ayos lang. Makakapasok din kme! Habang nasa pila, may lumapit sa aming babae, free daw yung IELTS. May free lunch at free IELTS book from Cambridge! Edi pirma naman kami. (*Whew* Pause... inom ng milo.)

Pagpasok namin sa PNA, sandamakmak na mga nurse din ang nandun! Mahaba talaga ang pila. inabot na kami ng lunch break, di pa din tapos. Tsk. Tsk. Tsk. Hanggang sa alas-dos na kami kumain nina Ailord, Erick at Reena, pagkatapos kumain nina Mei, Izel at Cherry. Pagbalik ng mga nagaasiikaso sa amin from the PNA, balik transaksyon ulit. Pila, pila, pila. Walang katapusang pila. Aba nung malapit na kami eh may sumingit banaman kina Mei! Una kasi sina Mei sa amin, pambihira, ang kapal ng mukha! Hehe. Di namin yun pinalampas! Di lang kami, kundi lahat ng nurses na nasa likod namin. So sa tingin ninyo? Ilan yun? Haha. Lubog sa semento papuntang poso-negro ang tatlong singit eh. Kunyari na lang na may tumawag para makapagpalusot at makaalis sila. Nyahaha! Aba'y tatlo na ang lumapit para paalisin eh di pa din umalis. Ayun, di kinaya. Alis sila eh! Haha. Pagkatapos sa PNA, nakakarelieve!

Di muna kami agad umuwi, nagkayayaan sa MOA! Sumakay kami jeep pa-Baclaran. Nagtour kami sa Manila. Di ko alam kung tama ba yung binayad namin na sampung piso kay manong driver. After 30 grueling minutes (di nga lang ata 30 minutes yun eh), nakarating kami sa pusod ng Baclaran. Ang daming tyanggian. Nagtanong kami kung san yung sakayan na yellow na multi-cab papuntang MOA. Edi sinabi na nga kung saan, para kaming mga guest kay Dora The Explorer. Tyanggian. Bridge. Multi-cab! Repeat! Tyanggian. Bridge. Multi-cab! Tinawid namin ang pulutong ng tyanggian, ang paletang tulay at narating din namen ang aming paroroonan. Nakakapagod. Sabi ko sa kanila, sulit ang pagpunta namin ng Maynila. The best to.

Nakasakay na kami sa multi-cab papuntang MOA. Sa mga hindi nakakaalam first time ko sa MOA nun. Haha. Pagdating namen dun, the rest is history. Ibig sabihin, mga kwento at sitwasyon na hindi na dapat kinukwento pa. Haha.

Salamat sa pagtangkilik sa storyang ito. Maswerte ka dahil nabasa mo na to bago ko pa mai-publish ito. Godbless sa inyong lahat.

2 comments:

Kcuhc Ravlam said...

Masarap balikan ang mga kwento na minsang dumaan sa aming mga buhay bilang nursing students. :)

Sa mga kaibigan, para sainyo to. Take time to read it. Once again. Hehe.

Robin said...

nyahahaha super like galing mo chuck mungtanga lang !!!!! hikhik nyahhahahaha